
Naging matagumpay ang pagsisimula ng 15th Hane Festival sa Tanay, Rizal sa pamamagitan ng Blessing at Opening ng Agri-Trade Fair and Exhibit na ginanap sa Tanay Park, kakahpon, November 12.
Kasabay nito, idineklara ng Malacañang ang araw na ito bilang Special (Non-working) Day sa buong bayan ng Tanay sa bisa ng Proclamation No. 1063, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Founding Anniversary ng Tanay at ng ika-15 Hane Festival.
Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ang lahat na makilahok at makisaya, mula sa mga team bahay hanggang team live audience, sa mga aktibidad ng festival tulad ng microchipping for pets, Barako Brew Battle, at Pinaka sa Tanay competition, na magtatapos sa November 16.
Ang Hane Festival ay taunang selebrasyon ng mga Tanayeño bilang pagpupugay sa kasaysayan, kultura, sining, agrikultura, at likas na yaman ng bayan.
ADVERTISEMENT
Layunin nitong ipakita ang pagkakaisa at kasipagan ng mga mamamayan habang itinatampok ang mga produktong tunay na “Gawang Tanay, Galing Tanay”.

