Kabilang si Filipina tennis sensation Alex Eala sa mga atleta na sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters na gaganapin sa Macau Forum mula Disyembre 27 hanggang 28.
Tampok sa torneo sina Grand Slam champions Li Na at Conchita Martínez, na magiging team captains at pipili ng kanilang mga manlalaro bago magsimula ang laban.
Makakasama rin sa kompetisyon sina Mirra Andreeva, Shang Juncheng, Jack Draper, at Jakub Menšík.
Sa edad na 20, inaasahan ding kakatawanin ni Eala ang Pilipinas sa nalalapit na ika-33 Southeast Asian Games sa Thailand mula Disyembre 9 hanggang 20.

