News LightLatest News

Bilang ng nasawi dahil sa bagyong Uwan, umakyat na sa 27 — NDRRMC | News Light

Umakyat na sa 27 katao ang nasawi dahil sa hagupit ng super typhoon Uwan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Umakyat na sa 27 katao ang nasawi dahil sa hagupit ng super typhoon Uwan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa ulat ng NDRRMC, karamihan sa mga nasawi ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Siyam rito ay mula sa Ifugao, apat mula sa Benguet, tatlo mula sa Kalinga, at tatlo mula sa Mountain Province.

Sa Region 2 naman, tatlo ang naiulat na nasawi, at tig-isa sa Region 5, Region 6, Region 7, Region 8, at Region 9.

ADVERTISEMENT

Dalawang katao naman ang nawawala at 36 ang nagtamo ng injury.

Tumama ang super typhoon Uwan sa bansa ilang araw lang matapos manalasa ang bagyong Tino na kumitil naman sa buhay ng 232 katao.

What do you feel about this article?