Nananatiling malakas ang severe tropical storm Uwan, o may international name na Fung-Wong, habang ito ay mabagal na kumikilos pahilagang-silangan sa karagatang matatagpuan sa timog ng Taiwan.
Pinakahuling namataan ang sentro ng bagyo ay nasa layong 280 kilometro kanluran ng Itbayat, Batanes, sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 95 km/h malapit sa gitna at bugso na hanggang 115 km/h.
Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes, Babuyan Islands, at ilang bahagi ng Ilocos Norte dahil sa banta ng malalakas na hangin.
ADVERTISEMENT
Pinag-iingat din ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat dahil sa napakataas na alon na aabot hanggang limang metro sa hilagang karagatan ng Luzon.
Inaasahang muling papasok sa PAR si Uwan ngayong araw bago ito tuluyang mag-landfall sa timog-kanlurang bahagi ng Taiwan mamayang hapon o gabi.

