Sa murang edad na siyam, pinatunayan ni Kryzl Jorge na walang pinipiling edad ang pagiging lider matapos niyang itatag ang sariling wellness brand na Purple Hearts.
Sa tulong ng kanyang mga magulang, inilunsad ni Kryzl ang mga chewable supplements tulad ng Immuni Boost, Mighty Boost, at Smarty Boost na layuning gawing mas madali ang pag-inom ng bitamina para sa mga bata.
Bilang bahagi ng pagpapalaganap ng brand, kinuha rin niya si aktor Rodjun Cruz bilang ambassador ng Purple Hearts dahil sa pagiging huwarang ama at mabuting impluwensiya sa kabataan.
Sa kabila ng kanyang mga tagumpay, nananatiling mapagkumbaba si Kryzl at ibinabahagi ang kredito sa kanyang mga magulang.
ADVERTISEMENT
Sa pamamagitan din ng Purple Hearts Foundation, nakapagbigay na siya ng tulong sa siyam na charity organizations upang labanan ang malnutrisyon sa mga bata.

