News LightLatest News

₱142.29 milyong halaga ng agriculture products, napinsala ng bagyong Uwan sa MIMAROPA at Bicol Region | News Light

Humigit ₱142.29 milyong halaga ng produktong pang-agrikultura ang napinsala ng bagyong Uwan sa MIMAROPA at Bicol Region, base sa datos ng Department of Agriculture (DA) Disaster Risk Reduction and Management…

Newslight · · 1 min read

default

Humigit ₱142.29 milyong halaga ng produktong pang-agrikultura ang napinsala ng bagyong Uwan sa MIMAROPA at Bicol Region, base sa datos ng Department of Agriculture (DA) Disaster Risk Reduction and Management Operations Center.

Apektado rito ang higit 4,600 na magsasaka.

Ayon sa report ng DA, ang 142.29 milyong pisong halaga ay damage at losses sa bigas, mais, high-valued crops, at livestock na may volume of production loss na 8,235 metrikong tonelada at 2,482 hectares ng agricultural area.

Gumagawa pa rin ng paraan ang DA sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga local government units upang matulungan ang mga magsasaka; sa kabila ng umiiral na price freeze sa merkado, kasama rito ang agricultural commodities, bunsod ng pagdedeklara ng national state of calamity sa Pilipinas dahil sa mga sunod-sunod na bagyong nanalasa sa buong bansa.

ADVERTISEMENT

Ngunit maaari namang makakuha ang mga magsasaka ng libreng tulong sa DA, tulad ng libreng pananim na palay, mais, at high-valued crops; pati na rin mga feeds at supplements para sa mga alagang hayop; libreng fingerlings para din sa mga mangingisda na nagpaparami ng mga bangus at tilapia; at maaari mangutang sa gobyerno ng hanggang ₱25,000 na puwedeng bayaran sa loob ng tatlong taon nang walang interes. (Austin Gonzaga/News Light)

What do you feel about this article?