Epektibo na ang dagdag-presyo sa produktong petrolyo.
Sa pinal na abiso po ng kumpanyang Shell, aabot ₱0.50 ang dagdag sa kada litro ng gasolina.
Nasa ₱0.90 naman ang taas sa bawat litro ng kerosene.
Habang ₱1.00 naman ang akyat-presyo sa bawat litro ng diesel.
ADVERTISEMENT
Paliwanag ng Department of Energy, bunsod ito ng pinagsamang epekto ng Ukraine drone attack sa Black Sea port ng Russia, habang naging mabagal din ang galaw ng oil market dahil sa inaasahang pagtaas ng produksiyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries.

