Response ops ng PNP matapos ang pananalasa ng bagyo, mahigpit na binantayan | News Light

📅
👤 Ace Cruz  |  📂 News Light, Latest News

Mahigpit na binantayan ni PNP Chief Jose Nartatez Jr. ang operasyon ng Pambansang Pulisya sa command center nito makaraang manalasa ang super typhoon Uwan.

Kasama ni Nartatez ang pinuno ng iba’t ibang unit kung saan pinakinggan din niya ang reports ng mga hepe ng iba’t ibang rehiyon.

Una nang lumabas sa report ng Malacañang na Pangasinan ang pinaka-lubhang naapeektuhan ng pagbaha dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Tiniyak ng PNP na activated pa rin ang kanilang response unit pati ang relief, clearing, at rehabilitation operations sa mga sinalanta ng kalamidad.