News LightLatest News

Noche buena price guide ngayong 2025, inilabas na ng DTI | News Light

Naglabas na ng price guide ang Department of Trade and Industry (DTI) para ngayong taon.

Newslight · · 1 min read

Naglabas na ng price guide ang Department of Trade and Industry (DTI) para ngayong taon.

Sa inilabas na price guide, 129 sa mga 256 na Noche Buena items ang parehas na presyo ngayong taon, habang ang 95 naman dito ay tumaas dahil sa pagtaas ng packaging materials, ingredients, at labor cost.

Bahagyang bumaba ang ibang mga brands ng hamon, queso de bola, at spaghetti sauce na patok ngayong holiday season.

Tiniyak naman ng DTI na hindi na tataas ang mga presyo ng mga holiday products alinsunod sa utos ng Pangulong Bongbong Marcos Jr., ngunit ayon naman sa mga may-ari ng supermarket, hindi dapat mangialam ang gobyerno sa mga bilihin at dapat hayaan ang malayang kompetisyon sa merkado. (Austin Gonzaga/News Light)

What do you feel about this article?