WeatherLatest News

DepEd: 312 paaralan, napinsala ng Bagyong Uwan | News Light

Hindi nakaligtas ang mga paaralan sa hagupit ng super typhoon Uwan noong weekend.

Carlene Latuna · · 1 min read

Hindi nakaligtas ang mga paaralan sa hagupit ng super typhoon Uwan noong weekend.

Sa tala ng Department of Education (DepEd), 1,182 na silid-aralan ang nakaranas ng bahagyang pinsala, 366 ang malubhang nasira, at 261 ang tuluyang nasira.

Pinakamating naapeektuhan ang mga paaralan sa rehiyon ng Bicol, CALABARZON, at Cordillera Administrative Region.

Nasira ang mga bubong, kisame, at may ilan pang classroom na tuluyang natangay ng rumaragasang ilog.

Samantala, mahigit 5,500 na silid-aralan naman ang kasalukuyang ginagamit bilang evacuation center upang tuluyan ng mga residenteng kinailangang lumikas dahil sa bagyo.

ADVERTISEMENT

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, inuuna na ang implementasyon ng alternative delivery modes para sa mga mag-aaral sa mga paaralang sarado dahil sa bagyo at iba pang kalamidad.

Patuloy pa ang beripikasyon ng ahensya sa datos ng pinsala sa mga silid-aralan at iba pang imprastraktura sa paaralan.

What do you feel about this article?