DZJV Radyo CALABARZON

Sapat na supply ng Food packs sa CALABARZON para sa mga evacuee, tiniyak ng DSWD IV-A

Tiniyak ng DSWD Region IV-A na may sapat na family food packs sa 95 satellite warehouses sa buong CALABARZON para sa agarang tulong sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Uwan.…

Maricon Rodriguez · · 1 min read
Photo Courtesy: DSWD IV-A

Tiniyak ng DSWD Region IV-A na may sapat na family food packs sa 95 satellite warehouses sa buong CALABARZON para sa agarang tulong sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Uwan.

Sa kasalukuyan, naka-preposition na ang 6,200 food packs sa Tagkawayan, Quezon, higit 1,000 sa San Pedro, Laguna, at 3,000 naman ang naipadala na sa Gumaca, Quezon, Maragondon, Cavite, Sta. Cruz, Laguna, Calamba City at Tuy, Batangas.

Patuloy din ang suporta ng quick response teams ng DSWD IV-A sa mga LGU upang matiyak ang mabilis na tulong sa mga evacuee.

What do you feel about this article?