DZJV Radyo CALABARZONFeatured

Laguna Water, nagbabala sa posibleng kakulangan ng tubig dahil sa bagyo

Naapektuhan ng malakas na ulan at pagbaha ang ilang pasilidad ng Laguna Water, ayon sa kumpanya. Dahil dito, hinihikayat ang mga customer na mag-imbak ng sapat na tubig bilang paghahanda…

Maricon Rodriguez · · Updated · 1 min read
Photo Courtesy: Laguna Water

Naapektuhan ng malakas na ulan at pagbaha ang ilang pasilidad ng Laguna Water, ayon sa kumpanya.

Dahil dito, hinihikayat ang mga customer na mag-imbak ng sapat na tubig bilang paghahanda sa patuloy na epekto ng bagyo, posibleng brownout, at pansamantalang pagkaantala sa suplay.

Tiniyak naman ng Laguna Water na naka-alerto ang kanilang team at handang magbigay serbisyo sa kanilang mga customer sa kabila ng masamang panahon.

Pinayuhan din ang publiko na i-monitor ang opisyal na update mula sa kumpanya at manatiling handa sa anumang aberya sa suplay ng tubig.

What do you feel about this article?