DZJV Radyo CALABARZON

Higit 18-K Batangueño, nasa evacuation centers dahil sa epekto ng Super Typhoon Uwan

Tinatayang 18, 213 indibidwal o 5,214 pamilya ang kasalukuyang nasa mahigit 100 evacuation centers sa Batangas, ayon sa pinakahuling ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office. Bukod dito,…

Maricon Rodriguez · · 1 min read
Photo Courtesy: Marcos Cast

Tinatayang 18, 213 indibidwal o 5,214 pamilya ang kasalukuyang nasa mahigit 100 evacuation centers sa Batangas, ayon sa pinakahuling ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Bukod dito, nasa 549 pamilya o 1,690 katao ang pansamantalang nanunuluyan sa kanilang mga kamag-anak.

Nauna nang nagsagawa ng pre-emptive at forced evacuation ang ilang LGU sa mga baybaying lugar at flood-prone areas matapos magbabala ang PAGASA sa posibleng storm surge.

Patuloy namang bukas ang mga staging area sa probinsya para sa agarang tulong sa mga evacuee.

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?