News LightLatest News

PBBM, nagdeklara ng state of calamity sa buong bansa dahil sa pananalasa ng Bagyong Tino | News Light

Nagdeklara ng state of national calamity si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang pananalasa ng bagyong Tino at banta ng paparating na bagyo.

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

Nagdeklara ng state of national calamity si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang pananalasa ng bagyong Tino at banta ng paparating na bagyo.

Ayon sa Pangulo, inaprubahan niya ang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil nasa 10 hanggang 12 rehiyon ang tinamaan ng kalamidad.

Giit ng Pangulo, ang pagdedeklara ay magpapadali sa paglabas ng pondo at pagbili ng mga supply para sa mga naaapektuhan.

Batay sa pinakabagong datos, umabot na sa mahigit 152 ang nasawi habang 86 ang nawawala dahil sa malawakang pagbaha sa gitnang bahagi ng bansa.

What do you feel about this article?