News LightLatest News

Ombudsman, target na mapauwi si Zaldy Co sa Pilipinas dahil sa flood-control scam | News Light

Hinahabol ng Office of the Ombudsman si dating Ako Bicol representative na si Zaldy Co para pauwiin sa bansa kasunod ng pagkakadawit nito sa bilyon-pisong flood-control scandal.

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

Hinahabol ng Office of the Ombudsman si dating Ako Bicol representative na si Zaldy Co para pauwiin sa bansa kasunod ng pagkakadawit nito sa bilyon-pisong flood-control scandal.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, gagamitin ng pamahalaan ang lahat ng legal na paraan, kabilang ang posibleng extradition, para maibalik si Co katulad ng ginawa kay dating kongresista Arnie Teves.

Inihaing din ng Independent Commission for Infrastructure ang rekomendasyon na kasuhan si Co at ilang opisyal ng DPWH dahil sa umano’y anomalya sa road dike project sa Naujan, Oriental Mindoro.

What do you feel about this article?