News LightLatest News

Office of the President, nagbigay ng P760 milyon bilang tulong sa mga apektado ng Bagyong Tino | News Light

Naglabas ng ₱760 milyong pisong tulong pinansiyal ang Malacañang para sa mga lalawigan at lungsod na matinding nasalanta ng bagyong Tino.

Giselle Crazo · · 1 min read

Naglabas ng ₱760 milyong pisong tulong pinansiyal ang Malacañang para sa mga lalawigan at lungsod na matinding nasalanta ng bagyong Tino.

Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, mabibigyan ng tig-₱50 milyong piso ang mga probinsiya ng Cebu, Capiz, Surigao del Norte, Iloilo, Bohol, at Negros Occidental.

Habang tig-₱40 milyong piso naman ang mapupunta sa Eastern Samar, Surigao del Sur, Southern Leyte, Antique, at Aklan.

Tatanggap naman ng halagang ₱20 hanggang ₱30 milyong piso ang iba pang lalawigan gaya ng Leyte, Masbate, Guimaras, at Agusan del Norte.

ADVERTISEMENT

Giit ng Palasyo, may sapat na pondo ang pamahalaan at hindi pa kailangan ng tulong mula sa ibang bansa.

What do you feel about this article?