Inatras ng Court of Appeals (CA) noong October 29 ang paratang ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) laban sa mamamahayag na si Frenchie Mae Cumpio at lay worker Marielle Domequil dahil sa kawalan ng legal na basehan at saysay ng mga ito.
Sa desisyon, isinantabi at ibinasura ng CA 3rd Division ang naunang hatol ng Regional Trial Court, Branch 18 sa Maynila noong December 7, 2022 na ipinag-utos na kumpiskahin ang P557,360 nila Frenchie at Marielle na para sa “Stand With Samar-Leyte” campaign bilang suporta sa mga magsasakang biktima ng militarisasyon sa Eastern Visayas region.
Pahayag ng korte, walang kaukulang pruweba ang mga bintang sa dalawa na konektado umano ang mga ito sa New People’s Army (NPA); sabay abiso na tigilan ang tahasang pagbibintang sa mga human rights advocates bilang terorista.
Ayon din sa CA, ang minadaling pangungumpiska ng funds at properties para sa di kaligtasan ng bansa nang walang pagsunod sa guidelines ng Anti-Terror Act at iba pang batas ay pagtatalikod sa mismong ipinaglaban ng batas na ito.
Tinanggap ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) ang desisyon at sinabing hindi napatunayan ng AMLC kung ang kinuhang pondo ay may kinalaman sa terorismo.
ADVERTISEMENT
Ani ng mambabatas, ang desisyong ito ng korte ay malinaw na kinakasangpakan batas kontra terorismo para patahimikin ang pamamahayag, aktibismo at gawaing masa ang pinagsisilbihan.
Si Cumpio na limang taon nang nakabilanggo, at Domequil ay dalawa sa tinaguriang “Tacloban 5” na pinaghuhuli noong Pebrero 2020 at pinatawan ng mga gawa-gawang kaso gaya ng illegal possession of firearms at pagpopondo sa terorismo para patahimikin ang kani-kanilang mga adbokasiya. (Denniel Salayo/ News Light)

