News LightLatest News

DA-DRRM Ops Center, nag-abiso sa mga magsasaka at mangingisda sa pagdating ni Bagyong Uwan | News Light

Ipinaghahanda ng Department of Agriculture Risk Reduction and Management (DA-DRRM) Operations Center ang mga magsasaka sa paparating na bagyong “Uwan” mamayang gabi at aabot hanggang Sabado.

Newslight · · 1 min read

Ipinaghahanda ng Department of Agriculture Risk Reduction and Management (DA-DRRM) Operations Center ang mga magsasaka sa paparating na bagyong Uwan mamayang gabi at aabot hanggang Sabado.

Pinapayuhan ang mga magsasaka na anihin ang mga pananim na maaari nang anihin, ilikas ang mga reserbang binhi, mga materyales at iba pang gamit pansakahan sa ligtas at mataas na lugar na hindi aabutin ng baha.

Mainam din kung makakapaglaan ng sapat na pagkain, tubig, at gamot sa mga alagang hayop, linisin ang mga irrigation canal upang maiwasan ang pagbaha at mapabilis ang pagdaloy ng tubig.

Ang mangingisda naman ay pinapayuhan na ilikas ang mga bangkang pangisda at iba pang gamit sa mataas na lugar, planuhin o iwasan muna ang paglalayag dahil sa posibleng malalakas at matataas na alon sa mga lugar na maaaring maapektuhan.

ADVERTISEMENT

Maaari ring makipag-ugnayan sa kanilang telephone number na (02) 8929-0140. (Austin Gonzaga/ News Light)

What do you feel about this article?