DZJV Radyo CALABARZON

Bus, nahulog sa bangin sa Gumaca; 1 patay, 21 sugatan

Isa ang patay, habang 21 ang sugatan matapos mawalan ng preno ang isang pampasaherong bus at mahulog sa bangin, kagabi, sa Diversion Road, Brgy. Villa Arcaya, Gumaca, Quezon. Ayon sa…

rasibag · · 1 min read
Photo courtesy of Quezon PPO

Isa ang patay, habang 21 ang sugatan matapos mawalan ng preno ang isang pampasaherong bus at mahulog sa bangin, kagabi, sa Diversion Road, Brgy. Villa Arcaya, Gumaca, Quezon.

Ayon sa pulisya, nawalan ng kontrol ang Bobis Liner habang pababa sa kalsada patungong Maynila at nasagasaan pa ang dalawang menor de edad na naglalakad.

Kinilala ang nasawi na si Joshua Verdan Lopez, 15 anyos, habang sugatan ang pinsan niyang si Ivan Lopez, 16 anyos, at 20 pasahero ng bus.

Agad rumesponde ang BFP-Gumaca, Kalasag Rescue Team, at MDRRMO upang isugod ang mga biktima sa Gumaca District Hospital.

ADVERTISEMENT

Agad namang isinara sa mga motorista ang bahagi ng Diversion Road para sa clearing operations.

What do you feel about this article?