News LightLatest News

Napoles at dating Masbate Gov. Lanete, pinawalang-sala ng Sandiganbayan sa kasong plunder | News Light

Pinawalang-bisa ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kina Janet Lim Napoles, dating Masbate governor at representative Rizalina Seachon-Lanete, at chief of staff nitong si Jose Rosalinda Sumalpong.

Carlene Latuna · · 1 min read

Pinawalang-bisa ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kina Janet Lim Napoles, dating Masbate governor at representative Rizalina Seachon-Lanete, at chief of staff nitong si Jose Rosalinda Sumalpong.

Ang kaso ay kaugnay sa 112 milyong pisong Priority Development Assistance Fund (PDAF) na ginamit umano nila Lanete sa maling kaparaanan noong 2007 hanggang 2009.

Ayon sa October 24 decision ng Sandiganbayan, bigo ang ebidensya na ipakita na kumuha si Lanete ng 50 million pesos na ill-gotten wealth.

Hindi rin napatunayan na pinirmahan ng dating gobernador ng Masbate ang mga endorsement letter at memoranda na may corrupt intent o gross negligence.

ADVERTISEMENT

Bagaman napawalang-bisa ang kaso, inutusan pa rin si Napoles na ibalik ang 107 million pesos na pondo ng pamahalaan na may 6 percent annual interest bilang civil liability.

Sa ilalim ng kaparehong desisyon, hinatulan ring guilty si Napoles sa seven counts ng graft.

What do you feel about this article?