News LightLatest News

Ilang mga grupo, hiling ang agarang pagkakakulong ng mga kawatan sa flood control | News Light

Agad-agad na at huwag nang paabutin pa nang Pasko—ito ang panawagan ng mga grupo sa gobyerno na mapanagot na ang mga sangkot sa isyu ng maanomalyang flood control projects.

Newslight · · Updated · 2 min read

Agad-agad na at huwag nang paabutin pa nang Pasko—ito ang panawagan ng mga grupo sa gobyerno na mapanagot na ang mga sangkot sa isyu ng maanomalyang flood control projects.

Sa pangunguna ng Simbahan at Komunidad Laban sa Katiwalian (SIKLAB), patawan na umano kaagad ng karampatang parusa ang mga inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kasabay ng pagfi-freeze ng mga ari-arian nito.

Ani Akbayan President Rafaela David, countdown na ang paparating na kilos-protesta sa EDSA Shrine at may nakulong na dapat bago ang araw na ito; hindi rin umano titigil ang tao sa pangangalampag hangga’t hindi nakukulong ang mga kurakot, ayon naman kay Jean Enriquez ng Kalipunan ng Kilusang Masa.

Panawagan naman ni Sylvia Estrada Claudio ng Tindig Pilipinas ang agarang suspensyon ng mga mambabatas na itinu-ro ng ICI bago pa man lumaganap ang impluwensiya ng mga ito; suportado ito ni Pete Pinlac ng Makati Employees Against Corruption bilang “preventive measures” sa pangingialam ng iba pang mga korap sa kaso.

ADVERTISEMENT

Hinimok na rin ng grupo ang pakikiisa ng sambayanan kasabay ng anunsyo ng mga protestang gaganapin ngayong buwan ng Nobyembre.

Sisimulan ito sa “White Friday Protest” sa November 7, susundan ng “White Ribbon Walk vs. Corruption” sa November 14, “Student Action Against Corruption” sa November 17, Centennial Celebration of Christ of the Servant King sa November 23, at ang “Trillion Peso Protest Action” naman sa November 30. (Denniel Salayo/ News Light)

What do you feel about this article?