6 kasapi ng Air Force, nasawi sa pagbagsak ng helicopter sa Agusan del Sur | News Light

📅

Kinumpirma ng Philippine Air Force na nakuha na ang bangkay ng anim na kasapi nito na nasawi sa pagbagsak ng Super Huey helicopter sa Agusan del Sur.

Ayon kay Air Force spokesperson Col. Ma. Christina Basco, kabilang sa mga nasawi ang dalawang piloto at apat na crew na pawang miyembro ng 505th Search and Rescue Group.

Isa sa apat na choppers ang bumagsak na helicopter na naglunsad ng humanitarian assistance at disaster response mission para tukuyin ang epekto ng Bagyong Tino.

Ayon sa ulat, nagkaproblema sa komunikasyon ang helicopter bago ito bumagsak malapit sa base ng 60th Infantry Battalion.

ADVERTISEMENT

Nagluluksa ngayon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagkamatay ng mga tinaguriang “matatapang at dedikadong” miyembro ng Air Force na nasawi sa paglilingkod.

Patuloy naman ang suporta ng AFP sa mga naulilang pamilya habang isinasagawa ng Air Force ang imbestigasyon sa sanhi ng insidente.