PoliticsLatest News

Rep. Terry Ridon, binwelatahan ang umano’y panghuhula ng alegasyon hinggil sa 2025 national budget | News Light

Binanatan ni Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon ang aniya’y panghuhula lamang sa alegasyon na may malakihang plano na magpasok ng ₱1.45 trilyong pisong insertion sa kasalukuyang budget ng bansa.

Newslight · · 1 min read

Binanatan ni Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon ang aniya’y panghuhula lamang sa alegasyon na may malakihang plano na magpasok ng ₱1.45 trilyong pisong insertion sa kasalukuyang budget ng bansa.

Ani Ridon, ang ganito kalaking insertions ay hindi mangyayari nang walang nalalaman at pagpapayag sina dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez at dating Senate President Chiz Escudero—na sumang-ayon naman dito kapalit ng pag-aamyenda sa kanila magmumula.

Dagdag pa ni Ridon, kung umabuso umano sa kapangyarihan ang dalawa, marapat lamang na ipakita ang mismong mga insertion, project history, pati na ang implementasyon at maayos na pagsasampa ng kaso…

Ngunit kung iikot lamang sa dahilan ng malaking halaga ang pinag-uusapan ang alegasyon, ito ay panghuhula na lamang.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Ridon, dapat makita ang mga aktwal na items na ipinapanukala at dinedepensahan ni Escudero at Romualdez kung mayroon mang paglabag dito. Parehas lamang din ang proseso ng mga panukalang budget sa mga nagdaan: mula sa committee hearing, plenary debates, bicam at ratipikasyon ng dalawang panig. (Denniel Salayo/ News Light)

What do you feel about this article?