Rep. Antonio Tinio, tinawag na ignorante si Davao Rep. Paolo Duterte dahil sa aniya’y pananahimik ng Makabayan bloc sa korapsyon | News Light

📅

Tinawag na ignorante ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio si Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte matapos nitong banggitin tahimik ang Makabayan bloc sa mga isyu ng korapsyon ng administrasyong Marcos.

Sinita ni Tinio si Duterte sa hindi pagdalo nito sa mga session ng House of Representatives; dahilan kung bakit hindi nito nakikita ang paniningil na ginagawa nila kay Presidente Bongbong Marcos Jr., na pangunahing responsable sa kinukurakot na budget at sa pamunuan nito.

Banat pa ni Tinio, libre lamang ang mag-Google kaya gamitin ito ni Duterte upang makita ang track record ng Makabayan mula pa sa mga nakalipas na administrasyon, kasama ang rehimeng Duterte.

Sa kasawiang-palad, mukhang ignorante umano si Pulong sa aktwal na hakbangin ng partylist; gaya na ang pagpapalutang ng isyu sa ₱125 milyong confidential funds na ginastos ni Vice President Sara Duterte sa loob lamang ng 11 araw.

ADVERTISEMENT

Naunang nagpahayag ng kritisismo si Duterte sa Makabayan dahil sa mabilis na paghahanap nito ng masisisi ngayon, ngunit tahimik noong bilyones na ang nananakaw sa flood control. Dahil din sa pulitika, pilit na sinisira ang dating pangulo sa paggawa ng isyu sa Manila Bay.

Samantala, ang pagsuporta ni Tinio sa imbestigasyon hinggil sa Manila Bay Dolomite Beach Project na pumalo sa ₱389 million ang halaga at itinayo noong administrasyon ni former President Rodrigo Duterte. (Denniel Salayo/ News Light)