“It’s a real dream to be on this stage right now.”
Iyan na lamang ang nasabi ni Don Patrick Baldosano matapos tanggapin ang Young Chef Award sa launch ng Michelin Guide sa Pilipinas noong October 30.
Ang 27-year old na chef ay kinilala para sa kanyang restaurant na ‘Linamnam’, na naghahatid ng malikhaing pag-eeksperimento sa mga putaheng Pilipino.
Ayon kay Baldosano, ang tagumpay na ito ay hindi lamang kanya, kundi ng kanyang buong team, mga magsasaka, at mga producer na katuwang niya sa bawat putahe.
ADVERTISEMENT
Mula sa pagiging contestant sa “Junior MasterChef” noong siya’y 12 taong gulang, ngayon ay bahagi na siya ng pandaigdigang culinary scene.
Sa pamamagitan ng Linamnam, layunin ni Baldosano na patuloy na ipakilala ang mga lutuing Pilipino at ipakita sa mundo ang ganda ng ating sariling pagkain.

