News LightLatest News

Military chopper na patungo sa mga lugar na tinamaan ng bagyo, bumagsak sa Agusan del Sur | News Light

Kinumpirma ng Eastern Mindanao Command na bumagsak ang isang Super Huey aircraft ng military sa Loreto, Agusan del Sur ngayong Martes.

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

Kinumpirma ng Eastern Mindanao Command na bumagsak ang isang Super Huey aircraft ng military sa Loreto, Agusan del Sur ngayong Martes.

Base sa ulat, papunta sana ang aeroplane sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Tino para maghatid ng disaster response support nang mangyari ang insidente.

Ayon sa EastMinCom, tuloy-tuloy ang rescue at recovery operations at kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa mga emergency response teams sa lugar.

Hinihiling din nila ang dasal at kooperasyon ng publiko habang patuloy ang paghahanap sa mga tripulante.

Sa hiwalay namang pahayag, sinabi ng Philippine Air Force na kasama ang nasabing helicopter sa apat na lumipad mula Davao papuntang Butuan para sa rapid damage assessment and needs analysis.

ADVERTISEMENT

Nawalan umano ng komunikasyon ang isa sa mga ito kaya agad na naglunsad ng search and rescue operation.

Patuloy ang imbestigasyon para alamin ang sanhi ng pagbagsak nito.

What do you feel about this article?