News LightLatest News

Maagang year-end bonus at P5,000 cash gift sa mga government workers, ipamimigay na ngayong Nobyembre, ayon sa Malacañang | News Light

Maagang ipamimigay ngayong Nobyembre ang year-end bonus at ₱5,000 cash gift, ayon sa Malacañang.

Giselle Crazo · · 1 min read

Maagang ipamimigay ngayong Nobyembre ang year-end bonus at ₱5,000 cash gift, ayon sa Malacañang.

Nakalaan ang halos ₱64 bilyong budget para sa year-end bonus ng mga civilian at uniformed personnel, at humigit ₱9 bilyon naman para sa cash gift ng mahigit 1.8 milyong gobyernong empleyado sa buong bansa.

Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, pagpapakita ito ng Marcos administration ng pagpapahalaga sa mga lingkod-bayan at sa kanilang kabayanihan para sa bayan.

Bagamat wala pang tiyak na petsa ng release, tiniyak ng Palasyo na mas maaga ito kaysa sa nakagawian.

What do you feel about this article?