News LightLatest News

Korte Suprema, naglabas ng status quo ante order sa kaso ni Tarlac City Mayor Susan Yap-Sulit | News Light

Naglabas ng status quo ante order ang Korte Suprema kasunod ng petition for certiorari ni Tarlac City Mayor Susan Yap-Sulit laban sa desisyon ng Comelec en banc na nagdiskwalipika sa…

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

Naglabas ng status quo ante order ang Korte Suprema kasunod ng petition for certiorari ni Tarlac City Mayor Susan Yap-Sulit laban sa desisyon ng Comelec en banc na nagdiskwalipika sa kanya sa 2025 midterm elections.

Ayon sa Korte, layon ng utos na panatilihin ang sitwasyon bago ipalabas ang desisyon ng Comelec, habang naka-pending pa ang kaso.

Nagmula ang petisyon ni Yap-Sulit sa October 22 ruling ng Comelec en banc na bumaligtad sa naunang pasya ng 2nd Division at nagpapayag sa kanya na tumakbo at maglingkod bilang alkalde.

Inutusan din ng Korte Suprema ang Comelec at ang mga naghain ng disqualification case na sina Amado De Leon at Jay-Ar Capulong Navarro na magpasa ng komento sa petisyon.

ADVERTISEMENT

Sinabi ng dalawa na hindi residente ng Tarlac City si Yap-Sulit ng isang taon bago ang halalan.

Bago pa ilabas ang desisyon, ipinaliwanag ni Comelec Chair George Garcia na ang status quo ante order ay nangangahulugang pansamantalang pagbabalik sa dati mong posisyon habang dinidinig pa ng Korte ang kaso.

What do you feel about this article?