Mahigit 4,700 na pasahero at bangkero ang stranded sa mga pantalan dahil sa Bagyong Tino, ayon sa Philippine Coast Guard.
Sa Bicol naitala ang pinakamalaking bilang ng mga na-stranded na umabot sa mahigit 2,000 katao.
Sinundan ito ng nasa 1,200 na-stranded sa mga pantalan sa Southern Tagalog.
Kinailangang sumilong ang mga vessel, motorbanca, at maging ang mga rolling cargoes dahil sa patuloy na pananalasa ng Bagyong Tino sa bansa.
ADVERTISEMENT
Dahil dito, namahagi na ng ready-to-eat food packs ang pamunuan ng Port Management Office at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong indibidwal.

