Nag-init ang ulo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni “Banoy” Lopez matapos madatnan ang kalagayan ng mga komyuter sa LRT-1 Baclaran Station kahapon.
Sa gitna ng malakas na ulan, nahuli ng kalihim ang hirap ng mga komyuter na pumupunta sa Baclaran Station ng LRT-1 kung saan apat na taon nang nag-iigib ang pamunuan nito ng tubig para sa mga comfort rooms o palikuran ng istasyon.
Bukod sa hindi maayos na palikuran, walang naglilinis ng mga hagdan kung saan delikado sa mga pasahero ang pag-akyat at pagbaba lalo na sa mga matatanda.
Binigyan ng DOTr ang pamunuan ng Light Rail Manila Corporation, partikular sa LRT-1 Baclaran Station, ng isang buwan o dapat sa Disyembre ng taong 2025 na maayos ang mga problema ng istasyon.
ADVERTISEMENT
Dagdag ni Lopez, pinag-aaralan na rin ng ahensya ang paglalagay ng mga elevator para sa mga senior citizen at persons with disabilities. (Austin Gonzaga/ News Light)

