Handang rumesponde ang Department of Agriculture sa posibleng pinsalang idudulot ng Bagyong Tino sa sektor ng agrikultura.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., hindi malaki ang epekto ng bagyo sa palay dahil nasa 80 porsiyento na ang naani.
Gayunman, babala ng kalihim, posibleng magkaroon ng epekto sa susunod na ani kapag tinamaan ng bagyo ang mga production area gaya ng Nueva Ecija at Isabela.
Tiniyak din ng kalihim na puno ang mga warehouse ng NFA at sapat ang suplay ng bigas sa susunod na tatlong buwan.



