Kaakibat! Ihanda na ang inyong mga kalendaryo! Ang inaabangang Arise Shine Worship Festival 2025 ay magaganap sa December 12, 2025 sa One Cainta Auditorium.
Ito na ang pagkakataon nating magsama-sama sa isang gabi ng walang-kapantay na pagsamba at pagpupuri!
Asahan ang pusong-puno ng inspirasyon at todo-bigay na performances mula sa mga kilalang pangalan sa industriya ng worship music tulad ng Maharlika Worship, Hope Family Music, Victory Worship, Powerhouse Worship, at marami pang iba.
Ihanda na ang inyong mga boses at puso at damhin ang pag-asang hatid ng musika! Para sa pinakabagong updates, laging tumutok sa Arise Shine Worship Festival. (Benedict Quejado/ News Light)



