Sumampa na sa 52 katao ang nasawi at daan-libong residente ang napilitang lumikas matapos ang matinding pag-ulan na dala ng Bagyong Tino na nag-landfall sa Pilipinas nitong Martes.
Lubos na binaha ang ilang bayan sa Cebu, kung saan maraming bahay at kalsada ang nalubog sa tubig.
Samantala, sampung katao na ang naitalang sugatan at labing-tatlo naman ang nawawala.
Patuloy naman ang isinasagawang rescue at relief operations ng mga awtoridad upang matulungan ang mga apektadong residente.
ADVERTISEMENT
Ayon sa weather bureau, inaasahang hihina ang bagyo sa mga susunod na araw ngunit nagbabala pa rin laban sa posibleng pagguho ng lupa at karagdagang pagbaha.

