Isinusulong ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) ang nakabubuhay na subsidiya para sa nasa 3,000 na mga mangingisda mula sa gobyerno, matapos ang ethanol spill sa Bais City, Negros Occidental na sumira sa kanilang hanapbuhay.
Ayon sa grupo, kalakhan sa mga mangingisda mula Bais City at Majuyod ay hindi na nakakapalaot upang manghuli dahil sa kontaminasyon ng North Bais Bay noong October 27.
Dagdag pa ng grupo, ito ang mabigat na dahilan kung bakit mahalaga ang mabilisan at sapat na tulong para sa mga mangingisdang hindi pa maipagpatuloy ang kani-kanilang ikinabubuhay.
Pahayag din ni PAMALAKAYA-Negros Chairperson Vincent Fernandez, may mga fish kill nang nagaganap sa North Bais Bay na makaaapekto sa produksyon ng mga karatig-bayan.
ADVERTISEMENT
Makikipag-ugnayan ang PAMALAKAYA sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa kongkretong rehabilitasyon ng nasirang kabuhayan. (Denniel Salayo/ News Light)



