Nilagdaan na nina Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at Canadian Minister of National Defense David McGuinty ang Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA) sa pagitan ng Pilipinas at Canada kahapon.
Sa ilalim ng VFA, makapagsasagawa ng joint exercise at pagtitibayin ang pagtutulungan ng mga sandatahang lakas ng mga naturang bansa.
Kinilala ni Teodoro ang halaga ng SOVFA para sa seguridad sa karagatan, sa pagtugon sa mga sakuna, maging sa cyber defense.
Ayon naman kay McGuinty, malaki ang respeto ng Canada sa Pilipinas sa pagsunod nito sa mga pandaigdigang batas at sa mapayapang pakikipag-ayos.
ADVERTISEMENT
Ang naturang SOVFA ang kauna-unahang kasunduan ng Canada sa isang bansa mula sa Indo-Pacific region.

