‘Generally peaceful.’
Ito ang sinabi ng Philippine National Police (PNP) matapos ang mapayapang paggunita ng Undas sa buong bansa.
Ayon sa PNP, walang naitalang insidente dahil maaga umano silang naghanda at nagpakalat ng mga pulis sa mga matataong lugar upang maiwasan ang anumang insidente at trapiko.
Habang magpapatuloy naman ang pagbabantay ng PNP sa mga terminal, lansangan, at komunidad habang bumabalik sa lungsod ang mga biyahero upang matiyak ang kaligtasan nito.


