
Nagpasiklab ang National University Bulldogs matapos talunin ang De La Salle Green Archers kahit nahirapan sa opensa ang kanilang top dog na si Jake Figueroa.
Nakapagtala lamang si Figueroa ng limang puntos, ngunit bumawi sa depensa at playmaking sa pamamagitan ng walong rebounds, anim na assists, at anim na steals.
Kumamada naman sina Steve Nash Enriquez ng 16 puntos mula sa apat na tres, Paul Francisco ng 14 puntos sa perpektong tira, at Omar John ng 12 puntos at walong rebounds upang itulak ang NU sa panalo.
Pinuri ni NU head coach Jeff Napa ang kanyang mga manlalaro sa kanilang pagtutulungan at determinasyong ipanalo ang laro.

