International

Migrant workers, pinuna ang umano’y pananahimik ng PH Embassy sa isyu ng U.S. immigration crackdown | News Light

Binatikos ng grupong Tanggol Migrante Movement USA ang kawalan umano ng aksyon ng Philippine Embassy sa Washington hinggil sa kondisyon ng mga Pilipinong apektado ng immigration crackdown.

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Binatikos ng grupong Tanggol Migrante Movement USA ang kawalan umano ng aksyon ng Philippine Embassy sa Washington hinggil sa kondisyon ng mga Pilipinong apektado ng immigration crackdown.

Ayon sa grupo, walang natatanggap na tulong mula sa embahada ang mga Pinoy na pansamantalang nakulong sa mga pasilidad ng Immigration and Customs Enforcement (ICE).

Ibinahagi rin ng ilang Pinoy workers ang hindi maayos na pag-asikaso ng ICE sa mga Pinoy na nakakulong at kailangan ng medikal na atensyon.

Ayon kay Cora Cabello ng Tanggol Migrante, buwan-buwan na silang nananawagan sa Philippine Consulate at Embassy ngunit wala pa rin itong sagot sa kanila.

ADVERTISEMENT

Sa datos ng Department of Foreign Affairs noong Hunyo pa, nasa 69 na Pinoy ang nasa kustodiya ng ICE.

What do you feel about this article?