Nagpapatuloy ngayong araw ang libreng sakay sa MRT-3 para sa mga kabataan bilang pakikiisa nito sa pagdiriwang ng National Children’s Month.
Ayon sa DOTr-MRT-3, ito ay kanilang tugon sa kahilingan ng National Council for the Welfare of Children para gunitain ang espesyal na okasyong ito.
Libreng sakay sa mga batang biyahero na ang edad ay 18 pababa.
Ang libreng sakay ay nagsimula kaninang alas-9 hanggang alas-9 ng umaga, at magsisimula ulit ng alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi. (Austin Gonzaga/ News Light)

