Good NewsFeatured

Aso sa Germany, pinarangalan matapos mailigtas ang nawalang bata | News Light

Isang volunteer at kanyang pitong taong gulang na German Shepherd na pinangalanang Freyja, mula sa Concord, New Hampshire, Germany, ang itinanghal na mga bayani matapos matagpuan ang isang nawalang dalawang…

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Isang volunteer at kanyang pitong taong gulang na German Shepherd na pinangalanang Freyja, mula sa Concord, New Hampshire, Germany, ang itinanghal na mga bayani matapos matagpuan ang isang nawalang dalawang taong gulang na bata sa gitna ng malamig na panahon.

Nagsimula ang paghahanap noong Oktubre 10 matapos tumawag ang ina ng bata sa 911 nang mapansing nawawala ang kanyang anak at dalawang aso.

Mahigit 90 katao mula sa iba’t ibang rescue team ang agad na nagboluntaryo upang maghanap sa makakapal na kagubatan, habang patuloy na bumababa ang temperatura hanggang 20°F.

Si Jeremy Corson, na 13 years nang search and rescue volunteer, ay dumating kasama si Freyja upang tumulong sa operasyon.

ADVERTISEMENT

Ligtas na nasagip ang bata at agad dinala sa ospital para masuri sa posibleng hypothermia.

Bilang gantimpala, binigyan ni Corson si Freyja ng bagong bola bilang simbolo ng kanilang matagumpay na pagtutulungan at katapatan sa pagliligtas ng buhay.

What do you feel about this article?