Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang Candoni, Negros Occidental, kaninang alas-3 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang lindol na nangyari ay may lalim na 89 kilometro, at namataan ang sentro nito sa layong 16 kilometro timog-silangan sa bayan ng Candoni.
Ang sanhi ng lindol ay tectonic, ngunit naramdaman ito sa lakas na intensity 4 sa Candoni, Negros Occidental, at sa Sibulan at Dumaguete City naman sa Negros Oriental. (Austin Gonzaga/ News Light)

