Isang malaking gabi ng pagpupuri at pagkakaisa ang magaganap ngayong araw, Oktubre 31, sa Jose Rizal Coliseum! Pormal nang inihayag ang detalye ng inaabangang “UNITED: Concert for a Cause,” na pangungunahan ng ilan sa pinakahuhusay na Christian worship artists ng bansa.
Tampok bilang mga special guest sina Rommel at Susan Guevara, na kilala sa kanilang mga awiting nagpapalalim ng espirituwal na buhay.
Bilang dagdag na regalo sa mga manonood, inaasahan ding magpapasiklab ang mga sikat na worship groups na: Siklab Worship, Heaven’s Culture, The Musictionary, at ang Papuri!
Magsisimula ang programa bandang 4:00 p.m. Ang tema ng gabi ay hango sa Psalm 34:3, na nagsasabing: “Let us exalt His name together.”
ADVERTISEMENT
Maging bahagi ng pagkakaisa, musika, at paglilingkod. Suportahan ang “UNITED: Concert for a Cause.” (Benedict Quejado/ News Light)


