News LightLatest News

DPWH Sec. Dizon, bumuo ng technical working group para suriin ang mga flood control projects bago ito itayo | News Light

Para ma-assess ang bawat flood control project bago mapondohan at isagawa sa 2027, bumuo si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ng technical working group noong…

Newslight · · Updated · 1 min read

Para ma-assess ang bawat flood control project bago mapondohan at isagawa sa 2027, bumuo si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ng technical working group noong Miyerkules.

Ang panel ay binubuo nina Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Carlos Primo David, flood control systems expert Guillermo Tabios III at Project NOAH Executive Director Mahar Lagmay.

Hindi papapasukin ang proyekto kung hindi sang-ayon dito ang mga ito, ayon kay Dizon.

Paniwala pa ng kalihim, ang kawalan ng matinong engineering plans ang isa sa mga dahilan ng hindi mawala-walang pagbaha sa mga lugar sa bansa kahit pa bilyon-bilyong pondo ang inilalaan dito. Sinundan din ito ng pansamantalang suspension ng mga lokal na flood control projects ni Pangulong Bongbong Marcos sa 2026 hanggang hindi naisaayos ang korapsyon sa DPWH.

ADVERTISEMENT

Gagawa umano ng inisyal na plano ang grupo para sa 2027 budget ng DPWH habang hinihintay pa ang 18 major river system masterplan kasama ang mga partners ng ahensya; irerekomenda din nitong gibain ang mga naitayo nang imprastraktura kung pinapalala pa nito ang pagbaha kaysa mapigilan. (Denniel Salayo/ News Light)

What do you feel about this article?