News LightLatest News

40 kataong idinawit sa kaguluhan noong September 21 protest, sasampahan ng kaso ng PNP | News Light

Nakatakdang magsampa ng kaso ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa apatnapung katao na inakusahan ng pag-riot sa kilos-protesta noong September 21 malapit sa Ayala Bridge at…

Newslight · · Updated · 1 min read

Nakatakdang magsampa ng kaso ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa 40 katao na inakusahan ng pag-riot sa kilos-protesta noong September 21 malapit sa Ayala Bridge at Mendiola.

Pahayag ni CIDG Director Police Major General Robert Morico II, fina-finalize na ng sangay ang mga dokumento laban sa mga sangkot, kasama ang mga pinaniniwalaang nagpondo at nagsimula ng engkuwentro.

Paglilinaw ng opisyal, hindi pupuntiryahin ng imbestigasyon ang mga payapang sumama sa demonstrasyon. Pakay din nilang mapanagot ang lahat ng kabilang lamang sa gulo—lalo na ang mga pinagbibintangang nagplano at nagbigay ng pinansyal na tulong dito.

Inireklamo din ni Morico ang mga aniya’y nagsunog, mga pulis na nasaktan, at pag-aaring nasira na tinawag niyang kilos-kriminal.

ADVERTISEMENT

Ang mga impormasyong ibinibigay ng mga lokal na opisyal, kasama si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, ay pinakikinabangan ng mga pulis.

Matatandaang mahigit 200 protestante ang nakaranas ng pananakit, water cannon, at sapilitang pag-aresto, kabilang ang mga menor de edad sa “maximum tolerance” ng kapulisan noong Trillion Peso March, bukod pa sa pagkamatay ng sibilyang si Eric Saber sa tama ng baril nang pauwi ito galing sa trabaho noong araw na iyon. (Denniel Salayo/ News Light)

What do you feel about this article?