Latest NewsBalitang A2Z

Uganda nat’l, arestado matapos masabat sa kanya ang P42.5 million halaga ng shabu

Naharang ng mga otoridad ang mahigit P42.5 milyong pisong halaga ng shabu sa NAIA terminal 3 sa Pasay City.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Naharang ng mga otoridad ang mahigit P42.5 milyong pisong halaga ng shabu sa NAIA terminal 3 sa Pasay City.

Nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mahigit a6,000 gramo ng hinihinalang shabu mula sa bagahe ng isang Uganda national na dumating mula sa Madagascar noong Martes ng gabi.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Adnan” matapos madakip sa Customs exclusion room ng terminal 3.

Natagpuan sa kanyang gray luggage ang limang plastic na may puting kristal na sangkap na nakatago sa mga damit at laruan.

Kasama ang kanyang passport, boarding pass, mga bank card, at dolyares.

ADVERTISEMENT

Isasailalim naman sa chemical analysis ng pdea laboratory service ang mga nakumpiskang droga.

Samantala, isasailalim sa inquest proceedings si ‘Adnan’ para sa paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002.

What do you feel about this article?