From controversial king to Netflix drama star king.
Muling ipinamalas ng Kapamilya actor na si Baron Geisler ang kanyang husay sa pag-arte sa kanyang latest film na ‘The delivery rider’ na numero uno ngayon sa Netflix.
Tungkol ang kwento sa isang autistic delivery rider kasama ang walong taong gulang niyang surrogate na anak na aksidenteng naka diskubre ng isang crime job na humantong sa pagtugis sa kanila sa naka engkwentrong mga sindikato.
Sa isang panayam, hindi nga raw maipaliwanag ni Baron ang sayang nararamdaman ng kanyang puso lalo’t sunod-sunod ang kanyang projects mula incognito, batang quiapo at sa pelikulang ‘The delivery rider’.
ADVERTISEMENT
Deserve nga raw ni Baron ang best actor award dahil sa husay at galing nito sa pag-arte sa naturang pelikula at sa talentong ipinamalas through the years.
Congratulations Baron and more power!

