Humahagupit na ang ‘record-breaking’ hurricane Melissa sa Cuba ngayong miyerkules bilang category 3 storm matapos manalasa sa Jamaica kung saan idineklara ang state of disaster.
Nag-landfall ang bagyo malapit sa Chivirico, Cuba taglay ang hanging umaabot sa 201 kilometers per hour.
Ayon sa national hurricane center, inaasahang bubuhos ang 10 hanggang 25 inches ng ulan sa Cuba na maaaring magdulot ng malawakang baha at landslide.
Aabot na sa mahigit pitongdaang libong residente ang inilikas ayon sa pamahalaan ng Cuba.
ADVERTISEMENT
Bago ito, tinamaan nito ang Jamaica bilang category 5 hurricane na may lakas na 297 kph at isa sa pinakamalalakas na bagyong naitala sa atlantic.
Inaasahan namang muling tatama ang hurricane Melissa sa bahamas gabi ng Miyerkules bilang category 2 o 3 storm bago tuluyang humina pagkaraang tumawid sa North Atlantic.


