Binanatan ni Philippine Coast Guard spokesperson on West Philippine Sea CMDRE. Jay Tarriela si Cavite Rep. Kiko Barzaga matapos sabihing dapat nang buwagin ang pcg dahil sayang lang umano ito sa pondo.
Tinawag ni Tarriela na insulto at walang respeto ang pahayag ng baguhang mambabatas.
Paliwanag pa niya, araw-araw nang isinusugal ng mga tauhan ng Coast Guard ang kanilang buhay para ipagtanggol ang soberanya ng bansa sa West Philippine Sea maging ng mga Pilipinong mangingisda.
Aniya, nakakadismaya ang panawagan ng kongresista at nakabababa ng morale ng mga tauhan na naglilingkod at nagbubuwis ng buhay para sa bansa.
Habang binatikos din ni Bicol Saro partylist Rep. Terry Ridon si Barzaga at sinabing hindi nararapat sa atensyon ng coast guard ang mga pahayag ng kongresista laban sa ahensya.
ADVERTISEMENT
Giit ni Ridon, walang namang ibang ginawa si Barzaga kundi ang magsalita ng ‘meow meow.’
Wala pa namang pahayag si Barzaga hinggil sa isyu.



