News LightLatest News

NAIA, nagpaalala sa 1.35 milyong inaasahang pasahero ngayong Undas | News Light

Patuloy na nagpapaalala ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa mga pasahero nito na lilipad, mapa-international at domestic flights, na agahan ang pagpunta sa mga airport terminal dahil sa inaasahang…

Newslight · · 1 min read

Patuloy na nagpapaalala ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa mga pasahero nito na lilipad, mapa-international at domestic flights, na agahan ang pagpunta sa mga airport terminal dahil sa inaasahang higit isang milyong pasahero ngayong Undas.

Ayon sa NAIA, asahan ang 1.35 milyong pasahero sa airport terminal na nagsimula nitong Oktubre 25 at puwedeng umabot sa Nobyembre 3 ang pagdagsa nito.

Pinapayuhan ng NAIA ang tatlong oras na pagpunta ng mga pasahero bago lumipad kung ito ay international flight at dalawang oras naman para sa mga domestic flights, mag-book online para sa mas mabilis na transaksiyon, at ihanda agad ang eTravel app sa immigration.

Naglabas din ang Office for Transportation Security (OTS) ng mga prohibited items tulad ng mga baril o kahit anong deadly weapons, kahit mga replica nito, mga kemikal na puwedeng magbunga ng sunog o makapaminsala sa paliparan, at iba pa.

ADVERTISEMENT

Magpapakalat naman ng mga assistance counters para sa “Oplan Biyaheng Ayos” kasama ang OTS, PNP Aviation Security Group, at Department of Transportation. (Austin Gonzaga/ News Light)

What do you feel about this article?