Isang low pressure area ang namataan ng PAGASA sa labas ng Pilipinas.
Dahil dito at sa intertropical convergence zone (ITCZ), makararanas ng mga pag-ulan sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao, habang ang amihan o northeast monsoon naman ay umiiral sa extreme Northern Luzon.
Asahan din ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Visayas, Mindanao, Bicol Region, at Mimaropa, na posibleng magdulot ng baha o landslide.
Sa Batanes, Cagayan, Apayao, at Ilocos Norte, maulap din ang panahon na may mga pag-ulan dahil sa amihan.
ADVERTISEMENT
Panandaliang buhos ng ulan naman at thunderstorm ang mararanasan sa Metro Manila, Calabarzon, Aurora, at Isabela dahil sa shear line.

